Aktres napilitang kunin ang award dahil sa cash prize

DALAWANG buwan din ang pinalipas ng mataray na aktres bago nito kinuha ang award. Maaalalang isa ang aktres na ‘to sa nagprotesta sa naturang awarding dahil sa pagkakatanggal ng kanyang pelikula sa major awards category.

Lumabag sa panuntunan at regulasyon ng nasabing award-giving-body ang producer nila kaya sila naparusahan. Pero dahil sa pakikisama ng maldita pero magaling namang aktres sa kanyang produ kaya hindi ito sumipot sa seremonya, bagkus, nagbitaw pa ito ng salita na hindi siya interesado sa parangal na ibinibigay sa kanya.

Kamuka’t mukat mo, heto ang aktresa na biglang sumulpot sa opisina ng ahensya at kinuha rin ang tropeyo plus ang cash prize. Dahil umano sa paghihirap nito kaya nilunok ang kanyang prinsipyo. Sayang din daw ang datung na kasama ng rebultong kahoy.

Mabilisan lang daw ang appearance ng hitad. Para itong hangin na nagdaan. Hinabol pa raw ng mga mamamahayag para interview-hin pero dahil sa sanay itong tumalilis katulad ng isang magnanakaw, nakawala siya sa kurdon ng mga mamahayag.

Sabagay, hindi ito kataka-taka, eh, doon nga sa parada ng mga pelikula kahit mataas ‘yung karosa na kinarororoonan nito ay mabilis siyang nakaigpaw at nawala. Hehehe!

Sinetch? Ang hindi makahula, ngata!

***

Grace Lee di nakunsensya sa anak ni Angelicopter

HUGAS-KAMAY ang pamunuan ng Magic 89.9 FM sa pagkakatanggal ng isa nilang DJ na si Angelicopter dahil sa pagpabor sa nakaalitan nitong si Grace Lee. Kung hindi nila sinunod ang kapritso nitong huli bakit hindi nila ibalik ang una sa ibang slot kasama ng bagong partner?

Single parent si Angelicopter. Alang-alang lang naman sana sa kanyang isang anak na binubuhay. Palibhasa walang alam sa paghihirap at pagtataguyod ng pamilya itong Koreanang DJ kaya ura-urada niyang pinasipa ang kapareha niya sa programa. Lumaki kasi siyang may gintong kutsara sa bibig. Ang DWTM naman puro pa-sozy lang ang alam nito. Hindi nila makita ang personal na problema ng kanilang mga deejays.

***

Operasyon ni Ate Guy pinagkakitaan?

NAGKAMAL daw ng katakot-takot na donasyon si Nora Aunor sa plano sana nitong pagpapaopera sa kanyang lalamunan sa Boston, Massachusetts. Ang mga kadatungan na ito ay mula siyempre sa kanyang mga tangahanga, este, tagahanga. Iyon nga lamang, walang operasyong nangyari. Masyado raw busy ang doktor na magoopera, huh? Take note, dalawang buwang nag-stay sa US si Ate Guy pero hindi nagawa ang operasyon dahil masyadong hectic ang schedules ni doc?

Kaswerte namang ng doktor na ‘to, puro mayayaman siguro ang mga pasyente nya dahil hindi siya puwedeng singitan ng isang Nora Aunor na sikat namang tao sa Pilipinas.

Anyway, mabuti naman at puro trabaho na ang nasa isip ngayon ni Bulilit.
Pero sana naman, huwag munang isingit ni John Rendez ang kanyang sariling kaeklakan na kesyo gagawa siya ng album at si Andrew E. pa raw ang kinukuhang kompositor ng kanyang mga kakantahing rap songs.
Pahingain n’ya muna sa mga gastusin ang ‘friend’ niya at hayaan naman niyang makapag-ipon muna. Makabili man lang sila ng bahay at lupa kahit maliit lang. Mahirap tumanda ng walang masisilungan. Sabagay, maraming bahay-ampunan. Hehehe!

‘Yun lang!

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply