Alaminos coastal waters positibo sa red tide

POSITIBO na rin sa red tide toxin ang coastal waters ng Alaminos, Pangasinan.

Ito ang iniulat ng Department of Health (DOH) batay na rin sa Shellfish Bulletin No. 5 na ipinadala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa kanilang tanggapan.

Kaugnay nito, mahigpit nang ipinagbabawal ng DOH at BFAR ang paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish na nakukuha mula sa coastal waters ng Alaminos, Pangasinan, dahil hindi na ito ‘fit for human consumption.’

Gayunman, nilinaw ng DOH na ligtas pa ring kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa naturang katubigan ngunit kinakailangang ito ay sariwa, nahugasang mabuti at natanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.

Samantala, nananatili pa ring positibo sa red tide ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental, Masinloc Bay sa Zambales, Bataan coastal waters (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal), Matarinao Bay sa Eastern Samar, at Wawa, Bani sa Pangasinan, gayundin ang coastal waters ng Bolinao at Anda, Pangasinan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply