Alden Richards inaming pa-fling fling siya ngayon

INAMIN ni Alden Richards na hindi siya nakikipagseryosohan ngayon sa girls dahil super busy siya bilang actor.

Sunud-sunod ang taping ng The Road, tapos may Party Pilipinas pa tuwing  Sunday.

Super hectic ang taping ng soap ni Alden na My Beloved dahil sa may nakatakdang trip siya sa US para premiere night showing sa May 9 ng The Road sa North America na kinabibilangan ng USA at Canada. Kasama rin ang iba pang trust territories ng USA.

Makakasama niya sa US trip ay mga bida rin sa movie na sina TJ Trinidad at Rhian Ramos.

Nakatakdang ipalabas ang The Road sa US sa buwan ng Mayo.

Ani Alden: “Sa hectic schedule ko, mahirap makipagseryosohan sa girls kaya hanggang fling-fling lang ako. Mas mabuti sa girls ang ganito dahil ayaw nila ng may permanent girl ka.”

Natuwa si Alden dahil pinasaya niya ang kanyang lola sa success na kanyang tinatamasa ngayon. Di niya akalain na magkaroon siya ng malaking billboard sa Edsa. Kahit na half naked siya ay proud siya dahil pangarap kasi niya ito noong araw na di pa siya artista.

000

ABA, di basta basta sa school na pinapasukan niya si Sweet Ramos kasi nasa top siya ng klase.

Kahit nag-aartista siya ay regular class pa rin ang kanyang pinapasukan. Gusto ito ng kanyang butihing ama para mas lalong maraming matutunan sa school ang anak, bukod pa sa normal schooling mayrun si Sweet.

Kasalukuyang nasa Grade V si Sweet sa Jose Rizal University at kabilang ito sa Star Section ng school. Nasa top siya ng klase at active siya sa pagkanta sa school kapag may school program.

Balitang naging patakaran ng kanyang ama na tumanggap ng trabaho si Sweet kapag magtatapos ang school year para di nakakasagabal sa school ang sunud-sunod na taping ng bata. Tulad ngayon ay nasa Biritera si Sweet at pangunahing kontrabida kay Roseanne Magan,

Samantala, tuloy ang pag-eensayo ni Roseanne sa pagkanta pero unti-unti naman itong nailalayo ni Jo kay Remy.

Nangungulila man si Remy sa anak-anakan pero wala itong magawa dahil hindi siya inaabisuhan ni Jo ng mga plano tungkol kay Roseanne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply