Aleli di kinilalang misis ni Iggy sa London : pagpapauwi sa bangkay maaantala

MAAANTALA ang pagpapauwi ng labi ni Negros Occidental Ignacio Arroyo sa Pilipinas makaraang hindi kilalanin umano ng punerarya sa London ang pag-angkin ng misis nitong si Alicia “Aleli” Arroyo.

Base kay Atty. Lorna Kapunan sa panayam sa dzMM, abogado ni Aleli, hindi nila inaasahan nang sabihan ng abogado ng punerarya na nais ng kanilang kliyente na si Grace Ibuna na ipa-cremate ang labi ni Congressman Arroyo.

Nabatid pa na pinalabas din aniya ni Grace na annulled na ang kasal ni Aleli at ni Arroyo at siya na ang “next of kin.”

Ayon pa kay Kapunan, wala ring alam maging ang pamilya ni Arroyo sa Pilipinas maging ang mga anak sa unang asawa na sina Bianca at Dina.

Dahil dito, naghain ng reklamo ang kampo ni Grace laban kay Aleli maging sa Philippine Embassy para mapigilan na maibigay ang katawan ni Arroyo sa pamilya nito.

Ngunit giit ni Kapunan, walang hurisdiksyon ang isang korte sa London kung ang mga sangkot ay pawang mga mamamayan ng Pilipinas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply