Aleli tatanggap ng Phil flag mula sa Kamara

SI Aleli Arroyo ang tatanggap ng Philippine flag mula sa House of Representatives sa gagawing necrological service para sa namayapang si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo.

Ani Atty. Lorna Kapunan, bilang legal wife, karapatan ni Aleli na tanggapin ang bandila ng Pilipinas mula sa liderato ng Kamara.

Nauna nang iginawad ng London court kay Grace Ibuna, ang live-in partner ni Cong. Iggy ang karapatan sa pagpapauwi sa labi ng kongresista.

Nakatakdang dumating ang labi ni Arroyo mula London sa Miyerkules, alas-10:00 ng gabi na ididiretso sa Arlington Chapel.

Mula naman sa punerarya, dadalhin ang labi ng kongresista sa kanyang ancestral home sa La Vista Subdivision kinaumagahan hanggang sa araw ng Sabado.

Itinakda naman ang necrological service sa mababang kapulungan sa Lunes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply