Aleli wala sa last will ni Iggy Arroyo

IBINUNYAG na ang nilalaman ng ‘last will of testament’ ng namayapang congressman na si Iggy Arroyo.

Sa kanyang iniwang testamento, ang kanyang anak na si Bernardina Arroyo Tantoco ang kanyang successor at trustee sa lahat ng maiiwang kayamanan, habang siniguro rin ng namayapa na may makukuha ang kanyang 5-year live-in partner na si Grace Ibuna.

Nakasaad sa testamento ni Iggy na kapag namatay naman si Grace ay saka lamang malilipat sa kanyang tatlong anak ang maiiwan ng kinakasama.

Lumabas din sa last will ni Iggy na isinagawa niya ang huling bilin upang masiguro na maiburol at mailibing siya sa kanilang ancestral home sa Quezon City at mailibing katabi ng kanyang ina sa North cemetery sa Manila.

Hindi naman nakasama sa last will ni Iggy ang kanyang legal wife na si Aleli Arroyo.

Hindi rin pinayagan ni Iggy na makasama sa kanyang burol si Aleli dahil sa naging masalimuot umano ang kanilang paghihiwalay noong nabubuhay pa.

Bukod dito, lumalabas na ilang beses ding kinasuhan ni Aleli si Iggy noon kasama na ang hindi pagpayag sa kanya na tumapak sa bahay mismo ng kanyang sariling ama.

Hindi naman nagustuhan ni Bianca Arroyo ang naunang pahayag ni Aleli na ayaw niyang makita sa burol si Grace Ibuna.

Ito ay makaraang ibunyag ng anak ni Arroyo na noong nagkasakit ang kanyang ama ay hindi man lamang sumilip o nakibalita si Aleli.

Nagpasalamat naman si Bianca kay Grace dahil sa pagbibigay umano nito sa kanya ng pangalawang pamilya na dalawang beses nang nasira.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply