Alert level 3 itinaas sa Iraq – DFA

NAKATAAS ngayon sa alert level 3 ang bansang Iraq dahil sa patuloy na kaguluhan at pambobombang nagaganap sa naturang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level 3 ay nangangahulugan ng automatic ban sa deployment ng mga Filipino workers sa Iraq.

Hinihikayat di ng DFA ang mga Filipino na mag-voluntary repatriate.

“Under alert level 3, Filipinos who wish to leave Iraq are offered voluntary repatriation at government expense. A ban on the further deployment of OFW is automatically imposed in coordination with the Department of Labor and Employment. Filipinos are likewise advised not to travel to the affected areas while alert level 3 is in effect,” ayon sa news release ng DFA ngayong araw.

Ang mga apektadong lugar ng alert level ay lahat ng rehiyon sa Iraq maliban sa northern autonomous region ng Kurdistan.

Base sa nakarehistro sa Philippine Embassy, may 192 OFW sa Iraq Kurdish region at 279 naman sa iba pang bahagi ng bansa.

Makikipag-ugnayan naman ang embahada sa mga employer ng mga Pinoy sa Iraq na gusto pang manatili sa nasabing bansa para sa security protocol sa mga kumpanya.

Tiniyak naman ni Iraqi Foreign Minister Hoshyar Zebari na makikipagtulungan ang Iraqi government para sa repatriation ng mga OFW sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply