Alicia ginisa ng abogado ni Grace Ibuna

GINISA ng abogado ni Grace Ibuna si Alicia Rita Arroyo, asawa ng namayapang Congressman Iggy Arroyo kaugnay ng pagdinig ng QC court hinggil kung kanino mapupunta ang labi ng mambabatas sa Quezon City kanina.

Sa ginanap na hearing sa sala ni QC Regional Trial Court Judge Eleuterio Bathan Branch 92, tinanong ni Atty. Leonard de Vera, abogado ni Ibuna, si Alicia kung kinausap ng huli ang una hinggil sa kasalukuyang karamdaman ng mambabatas habang nasa London.

Sinabi ni Alicia na ayaw nyang makipag usap sa mistress ng kanyang asawa.

Una nang iginiit ni Alicia sa QC Court na magpalabas ang korte ng utos na sa tunay na asawa ng mambabatas dapat maihimlay ang labi ng dating kongresista na si Iggy Arroyo.

Sa hearing, sinabi ni de Vera na mayroong dalawang 2009 notarized documents ang iniwan ni Iggy ang isa ay isang “advanced healthcare directive” na nakapangalan kay Ibuna at anak na si Bernardina Arroyo Tantoco, na tatayong agents niya kapag hindi na nito kayang magdesisyon para sa sarili.

Mayroon din anyang iniwang declaration of trust si Iggy na nakapangalan kay Tantoco, anak sa unang asawang si Marilyn Jacinto, bilang trustee at mangangasiwa sa kanyang yaman hanggang sa malagutan ng hininga.

Niliwanag naman ni Alicia na noon anyang 1990s ay sinabi sa kanya ni Iggy na kung mawawala sa mundo ay sa kanilang bahay ililibing. Bumili pa anya ito ng lote sa Loyola Memorial Park kung saan nakahimlay ang kanyang kapatid at mga kaanak.

Sinabi rin nito na noong iwan sya ni Iggy noong June 2006 hindi na niya naalagaan ang asawa dahil ito ay kasama na ni Ibuna at mula noon ay nakakakuha lamang siya ng balita mula sa asawa dahil sa ibang tao.

Naikuwento rin ni Alicia sa korte na sinabi sa kanya ni Iggy na wala itong nais na makasama kundi si Ibuna at mula anya noon ay si Ibuna na ang nakakaalam ng lahat ng bagay patungkol kay Iggy at si Grace anya ang nagbabawal kay Iggy na dalawin nito ang anak kay Alicia.

Sa korte, hindi rin napatotohanan ni Alicia na siya ay isang mapagmahal na asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply