Aljur Abrenica malapit nang mabura sa GMA 7?

HALATANG bara-bara na ang ang pag-handle ng GMA-7 kay Aljur Abrenica. Take note na matagal nang walang importanteng proyekto si Aljur sa kanila, latest yung sa Amaya niya na minor lang naman ang exposure. Nauna rito, puro flops ang nakuha ni Aljur sa mga past shows niya, kaya he needed to have some very important exposure.

Imagine now, that he is paired of with a star na nabulok na’ng image. Hindi ba pag isinali mo ang isang kamatis sa isang tiklis na mabubulok na, mabubulok na rin ito?

Sabihin na nating kay Rhian Ramos yung tiklis ng kamatis na nabulok, and obvious ang dahilan kung bakit, tapos isasama mo sa kanya si Aljur, ‘di ba bulok na rin ito?

Aminin kasi ng GMA-7 na mahirap na nilang mapaalagwa si Rhian Ramos, kahitna ano’ng gawing paraan para mapabango ito, no way na.
After the abortion issue against sa kanya, meron pa bang project na aalagwa para sa kanya?

Puwedeng sabihing patay na ang career ni Rhian Ramos and no matter how GMA-7 does somethong to save it, nagwakas na talaga.

Tayong mga Pinoy, ayaw natin sa mga artsitang may pagkaimoral ang dating so ‘di na talaga puwedeng mai-save pa ang career ni Rhian Ramos.

Balik kay Aljur Abrenica, siya ang bida sa “My Kontrabida Girl,” pero mukhang kotrabida boy ang dating ni Aljur. Panay ang takbo ng ad ng GMA-7 tungkol sa kanya, although in itself, nega talaga’ng proyekto nila. For how can they save the image of a real kontrabida girl na ginagawang kontrabida boy ang bidang lalaki. Do they think, sapat na ang kabanguhan ni Aljur para patayin ang negang image ni Rhian Ramos.

For now, wala na talagang career na babalikan pa si Rhian. Para itambal siya kay Aljur Abrenica at this point na sira rin ang image nito sa publiko, ano na ang mangyayari sa movie na ito?

It is like sacrificing Aljur para buhaying muli ang career ni Rhian Ramos.

But to no avail!

***

‘Ibibigay namin ang katumbas ng halagang ibabayad sa concert namin!’–  Jose & Wally

INAABANGAN na’ng Party For Every Juan concert ng pinakasikat na comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga.

“Never na pumasok sa isipan ko that this will happen,” ani Wally, who was born and raised in Bicol.

Ang lola niya ang nagpalaki sa kanya. Never niyang nakita ang kanyang ama at ina in his growing-up years. Ganunpaman, ’di raw siya nakaramdam ng lungkot, hinanakit o kahit anong pagdaramdam.

Obviously, ayon kay Wally, nakatulong na bata pa siya, he became a choir member sa church. Kaya, lumaki siyang positive ang outlook sa buhay. More than that, masayahin siya.

Si Jose, on the other hand, ay tubong-Tondo. Sa TV, he started as a sidekick sa series na “Valiente” na nagkakaroon ngayon ng remake on TV5. Then, he became a production assistant-cum-floor director ng Eat Bulaga.

In no time, though, Tony Tuviera, top gun ng APT Entertainment at TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga, saw in Jose his  flair for comedy, talent sa pag-awit at pagsayaw.

He then tapped him to be part ng regular hosts ng programa, with no less than veterans Tito (a senator anew), Vic and Joey for co-workers.

Meanwhile, Wally was a top favorite in sing-along bars when an Eat Bulaga talent scout handpicked him to be one of the long-time running show’s junior hosts.

It was again the ‘brains’ behind Eat Bulaga who saw potential in the Jose-Wally comedy team.

Soon, they were given a segment of their own in Eat Bulaga, the highly successful Juan for All, All for Juan, Bayanihan of the Pipol.

In no time, too, the duo were performing live sa Zirkoh and Klownz, where they are considered formidable attractions.

Now, they are invading, wika nga, the Big Dome, no less.

Both promise to leave no stone unturned to make it truly a lively, attractive at tunay na nakakatawang show.

“We owe that to Mr. Tuviera, yes, for his unwaivering trust in us. Parang sobrang nakakahiya if we fail him.

“And, of course, the public. Those, lalo na, who are buying tickets to the concert. Dapat lang that they get their money’s worth,” susog pa ni Wally.

Now, guess kung sinu-sino ang special guests sa nabanggit na concert. On their own, may kanya-kanya ring following ang mga ito.

Sina Vic Sotto and Joey de Leon, Gary Valenciano, Dennis Trillo at Aljur Abrenica, Ai-Ai delas Alas and Regine Velasquez. Also in the line-up of guests are Aiza Seguerra, Ciara Sotto and Solenn Heussaff.

Directing the show is Philip Lazaro.

***

Coco Martin nahihirapang maging mabait

AMINADO si Coco Martin na naninibago siya sa kanyang role bilang Daniel, mabait at pasensiyosong tao, sa Walang Hanggan.

In his past drama series kasi, puro bida-kontrabida ang nagampanan niya.

Pero sa Walang Hanggan, talagang super bait ang role niya kaya aminado siyang medyo nahihirapan, lalo na sa mga eksena nila ni Joem Bascon.

“Kasi, kahit nagagalit na ako du’n sa scene, dapat kontrolado pa rin at hindi ko masyadong ipapakita dahil ’pag tinodo ko, baka ako pa ’yung lumabas na kontrabida,” aniya.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, mahirap din pala ’yung ako ang mabait. Pero at least, bago naman at hindi ’yung the usual na napapanood na laging galit na lang at laging sumisigaw at lumalaban talaga,” dagdag niya.

Samantala, nag-enjoy din si Coco sa taping nila ni Dawn Zulueta sa Italy at sey niya, pakiramdam niya ay nagsu-shooting siya ng indie film.

Sa estado ni Coco, walang masasabi ang aktor kundi puro pasasalamat.

“Sa sobrang ibinigay Niya sa akin, eh, sumobra pa sa mga hiniling ko, eh, kuntento na ako nang sobra rin. Ang hinihiling ko lang naman, eh, regular income, pero heto, sobra-sobra,” say ng magaling na aktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply