All out war vs dynamite fishing ikinasa na

IKINASA na ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ‘all out war’ laban sa tinatawag na blast o dynamite fishing simula ngayong araw.

Ito ay matapos magsagawa ng test blast ang ahensya kamakailan lamang sa isang dalawang-ektaryang fishpond sa Central Visayas Regional Fisheries Research and Development Center sa Calape, Bohol.

Sinabi pa ni BFAR national director Atty. Asis G. Perez na opisyal nang inilunsad ng ahensiya ang kanilang laban sa blast fishing sa ating bansa sa resulta ng isinagawang test blast, sa isang putok lamang ay napatay ang lahat ng itlog ng isdang siganids, grouper at bangus.

Nawalan ng buhay ang mga itlog kahit pa nasa 65 metro na ang layo nito sa blast site. Hindi rin nakaligtas ang mga isda na nasa iba’t ibang edad at distansiya sa loob ng pond.

“Even matured fish are seriously affected at such a distance,” ani Perez habang nakikitang ang mga test fish ay may nahating swim bladder, bali-baling tinik at nakaranas ng internal hemorrhage.

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang isang litro ng home-made na bomba ay kayang magbigay ng napakalakas na shockwaves na may bilis na 4,940 feet kada segundo.

Ngunit, sa isinagawang test blast, mas mahinang klase ng pasabog ang ginamit na nasa kalahati lamang ang lakas kung ihahambing sa karaniwang gamit sa dynamite fishing.

Nilinaw naman ni Region 7 director Andres Bojos na nakipag-ugnayan na sila sa lokal na Firearms and Explosives Division ng Philippine National Police para tuluyang mapiigil ang dynamite fishing.

Aniya, bilang isang host venue, ipinapakita lamang sa nasabing aktibidad ang pangangailangan na protektahan ang Danajon double barrier reef na kabilang sa anim na double barrier reefs sa buong mundo at nag-iisa lamang sa Pilipinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply