Alok na PSG ni PNoy kay Grace Lee walang nakaaalam

WALANG alam ang kahit sinong opisyal ng Malakanyang kung talagang inalok ni Pangulong Benigno Aquino III ng personal security ang nililiyag na TV host si Grace Lee.

“Personal security? I will have to confirm, I am not aware of,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sinabi nito na aalamin niya muna ang polisiya ng Presidential Security Group (PSG) sa nasabing usapin lalo na at hindi pa naman opisyal na bahagi ng official family si Grace Lee.

Sa ulat, magalang na tinanggihan ni Grace Lee ang ibinigay na personal security ni Pangulong Aquino.

“The President has in fact offered security but I politely turned it down. I can take care of myself naman eh,” pahayag naman ni Grace Lee.

Ayaw din magkomento ng Malakanyang sa napapadalas na media interviews ni Grace Lee at ang pag-amin nito na umaabot ng tatlo hanggang limang oras ang pag-uusap nila ni Pangulong Aquino.

“I will not comment. That is part of the person—the private life of the President,” ang tugon ni Usec. Valte.

Tuloy naman sa trabaho si Pangulong Aquino ngayong araw kahit nagdiriwang siya ng kanyang ika-52 kaarawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply