Alok na scholarship ng TESDA para sa mga nilindol

DAHIL sa kahirapan na nararanasan ng pamumuhay sa buong mundo ay nag-alok po ng scholarship ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga nabiktima ng malalakas na lindol sa Negros Oriental.

Ito ang proyekto ni TESDA Director General Joel Villanueva na ayon sa kanya ay popondohan ng kanyang ahensya ng P5M para sa mga kuwalipikadong aplikante partikular na sa  Guihulngan City.

Ayon pa kay Sec. Villanueva, kabilang sa mga inaalok na kurso ng TESDA ang metal arc welding, carpentry, masonry, plumbing, pag-operate ng payloader at backhoe.

Bukod pa roon ay kasama rin ang mga kurso na commercial cooking at enterprise information management.

Kasabay rin nito ang pag-uutos ni Sec. Villanueva ng abiso para sa agarang pag-iinspeksyon sa lahat ng TESDA School and Training Center sa Central Visayas.

LOTTENG SA LAGUNA

Sa Laguna ay tuloy pa rin ang talamak na operasyon ng mga lottengista.

Patuloy pa rin na ino-operate ni Ronel ang lotteng nito sa Biñan at ni Edwin alyas Tose naman sa San Pedro.

Sa Calamba, pader pa rin at namamayagpag ang operasyon ng lotteng ni Engel na ang pino-front ay sina Roy at Egay.

Isang Jojie ng San Pedro ang nagbabalita umano na bagong tong-collector siya ng kung sino-sino lang sa lugar.

Ipinamamalita ni Jojie na siya raw ang tagakuha ng tong-collection para sa kanyang mga amo na ibinubulong lang niya sa mga gusto niyang kotongan.

O kayo riyan sa Laguna, kapain nga ninyo ang puwet ng Jojie na ito!

oOo

Anoman ang reklamo, i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply