Alokasyon ng asukal sa US, madadagdagan pa

TIWALA ang Pilipinas na madadagdagan pa ang inilaang alokasyon ng Estados Unidos para sa aangkatin nilang asukal sa bansa kaya walang dapat ipangamba ang mga hindi pa beripikadong “A” sugar o U.S. quota sugar.

“The Philippines is hopeful it will get an additional quota allocation of around 100,000 metric tons. Under the U.S. Farm Bill, additional quota can be announced only after April 1 of the year,” ani SRA administrator Ma. Regina Bautista-Martin sa opisyal na press statement ng ahensiya.

Inihayag ito ni Martin kaninang umaga upang kalmahin ang pangamba ng ilan mula sa naturang industriya na wala ng babagsakan ang mga hindi naberipikang asukal o hindi na ito maiaangkat pa sa US bunsod ng itinakda na palugit ng SRA para sa beripikasyon ng nasabing produktong agrikultural.

Kamakailan kasi ay nagpalabas ng Sugar Order No. 7, Series of 2011-2012 na nagtatakda ng palugit na hanggang Enero 31, 2012 para sa beripikasyon ng “A” sugar.

Sa ilalim ng nasabing proseso, inaalam ng SRA ang dami, pinagkunan at ang exporter ng asukal. Isa pa, sa pamamagitan ng beripikasyong nabanggit, natutukoy ng SRA kung ano ang asukal na “A” quedan o uri ng asukal na maaaring ilabas sa merkado ng Estados Unidos.

Ani Martin, itinakda ang nasabing deadline dahil may magsu-supply na sa itinakdang quota ng United States para sa aangkating asukal mula sa Pilipinas na umaabot sa 138,827 metrikong tonelada at wala pang malinaw na pahiwatig ang pamahalaan ng Amerika kung magdadagdag pa ng alokasyon para sa bansa.

“We provided the deadline for verification so that the remaining unverified ‘A’ sugar can be utilized for other purposes such as for replenishment as ‘B’ sugar to domestic market, after compliance with appropriate SRA orders on the matter,” paliwanag pa ni Martin.

Ang SRA lang umano ang makakapagdeklara kung wala nang babagsakan pa ang mga asukal na hindi pa beripikadong “A” quedan sugar at kung sakaling hindi nga naberipika ang mga produkto ng exporters dahil sa deadline ay hindi nangangahulugan na ganap nang hindi ma-export ang mga ito sapagkat posibleng magdagdag pa ng alokasyon ang Estados Unidos. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply