Ambulansiya sumirko, 7 sugatan

TINATAYANG pito katao ang sugatan makaraang bumaliktad ang isang ambulansiya sa N. Bacalso Avenue, Lawaan-1, Talisay City, Cebu, kaninang madaling araw, Pebrero 3.

Kinilala ang mga biktima na sina Relelo Bustamante, 58; Losilo Taneo, 46; Gregorio Panangganan, 32; Elton Taneo, 15; Shedil Barbadillo, 16; Roselo Taneo, driver ng nasabing ambulansiya at ang pasyenteng sakay ng nasabing ambulansiya na si Pelodina Barbadillo, 38 na galing sa Car-car City at dadalhin sana sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa syudad ng Cebu matapos atekihin sa puso.

Nabatid na mabilis ang takbo ng ambulansiya nang umiwas ito sa nakahintong taxi kaya nawalan ito ng kontrol at dumiretso sa barekada ng central island at bumaliktad.

Agad namang nakaresponde ang awtoridad ng Talisay City sa naturang pangyayari at dinala ang mga biktima sa VSMMC na patuloy pang ginagamot at inoobserbahan ng mga doktor.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply