Ang bagyo at lindol

MAY namumuong bagyo sa Mindanao.

Sakaling maging ganap itong bagyo, saan ito patutungo?

Daraan ba sa mga nilindol na lugar, gaya ng Negros Oriental, Cebu, Iloilo at iba pa?

Magandang bantayan ng mga kinauukulan kung saan pupunta ang sama ng panahon.

Ngunit sa ngayon ay umuulan sa malawak na bahagi ng Mindanao at naaapektuhan na ang Kabisayaan.

Nakararanas na nga rin ng pag-ulan ang ilan sa mga nilindol na lugar.

oOo

Hindi talaga tayo mapalagay, Suki, sa pagdating ng sama ng panahon. Naiisip kasi natin ang mga bumitak na kapatagan at kabundukan sa mga sinalanta ng lindol.

Ano-ano ang mga magaganap kung sasalakayin ng matinding ulan ang mga lugar na ito?

Kung nagigiba ang mga nabitak na bundok nang walang ulan dahil sa mga tinatawag na aptersyak, mas masama ang mangyayari kung rurupok ang mga ito dahil sa pagdating ng ulan?

Ang mga bumitak na kapatagan, sa karanasan ng mga taga-Pangasinan at Nueva Ecija nang maganap ang lindol sa mga nabanggit na lugar noong 1991, ay naging mga walang hanggang daluyan ng mga tubig-ulan.

Ngunit nananatili sa pakiramdam ng marami na delikadong lugar pa rin ang mga ito. Paano kung isang araw ay gumalaw din ang mga ito?

oOo

Ngayon pa lang ay dapat na dagdagan ng mga kinauukulan ang kanilang mga pagbabantay at paghahanda sa pagsalakay ng sirang kalikasan dahil sa namumuong bagyo.

Hindi dapat na mabigla muli ang pamahalaan sa mga posibleng sakuna na magaganap.

Ang mga pagkain na dapat ialay sa mga biktima ngayon ay dapat nang ilatag sa lugar. Ang mga makinarya at tao ng gobyerno, dapat nang nakaalerto.

Kayong mga nalululong sa kasong impitsmen, paano ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply