Ang gusto ko, happy ka

“ANG gusto ko,” wika ni senador Juan Ponce Enrile sa kanyang re-election campaign, “happy ka.”

Kung gusto ni Ginoong Enrile na maging happy ang bayan, dapat lang sigurong mag-desisyon na ang impeachment court at tanggalin na sa puwesto si Chief Justice Renato Corona.

Sa ganoon, maging happy na talaga tayo. At magkaroon na ng isang chief justice na hindi nabahiran ng bintang ng corruption.

Dahil sa bintang na corruption, hindi na effective si Corona na hanggang ngayon ay ayaw mag-resign sa puwesto.

At kung ganyan nga ang mangyayari, sa palagay ko ay puwede na rin nating sabihin na ang gusto natin ay maging happy naman si Enrile.

Marami ang namumuhi kay Enrile noong panahon ng Marcos dictatorship. Marami ang takot na takot kay Enrile sapagkat siya ay lubhang makapangyarihan.

Ngunit nagbago ang hangin noong February 25 or thereabouts nang si Enrile ay maglunsad ng isang coup d’etat na sinalihan naman ng noon ay dating military vice chief of staff na si heneral Fidel V. Ramos.

Kamuntik nang maging Pangulo ng Pilipinas si Enrile subalit matapos ang Edsa revolution, ang natakdang bagong pangulo ay si Cory Aquino. Ikinulong pa ni Cory si Enrile sa isang paratang na wala naman pala sa batas.

Sumunod na Pangulo ng republika si Ramos na hindi naman originally kasama sa coup d’etat.

Sadyang mailap ang kapalaran ni Enrile subalit katulad noong unang panahon na anak lamang siya sa labas na nagdulot sa kanya ng matinding financial deprivation magmula sa pagkabata, lumaban si Enrile.

Wala na si Cory. Si Ramos naman ay nawalan na ng popularidad. Pero si Enrile pa rin ang bida dahil sa bukod na Senate President ay presiding officer pa siya ng Senate Impeachment Court.

Kung sakaling ma acquit si Corona, ano kaya ang kapalarang maghihintay kay Enrile?

Sa palagay ko ay babalik ang pagkamuhi ng maraming tao kay Enrile kung not guilty ang verdict kay Corona.

Sa kabilang dako naman, kung maging guity ang verdict kay Corona ay malamang na bumalik ang prestige ni Enrile at mahalin siya ng buong bayan.

Nasa iyo na ang bola, Gino-ong Enrile. I-shoot mo na ang bola at baka maunahan ka pa ng mga pro-Corona referee, o ma time-out ka for not shooting the ball.

Oo, hindi na kailangan ang mga technicalities ni Cuevas et al. Sira na ang pangalan ni Corona at hindi na siya effective bilang isang hustisya.

Shoot the ball, Mr. Enrile, para happy na ang bayan at happy ka na rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply