Ang mga kapalpakan sa post office, SSS at LTO

GUSTO ninyong malaman ang ilang palpak na ahensiya ng pamahalaan?

Ito ang gusto nating ibahagi sa araw na ito, Suki.

oOo

Unahin natin ang Post Office.

Alam ba ninyong aabot ng halos tatlong buwan bago mai-deliber ang registered mail sa mga post office sa munisipyo?

Nagaganap ito, Suki, sa Sta. Maria, Bulacan.

Hindi natin alam kung bakit ngunit sinasabing iilan lang ang kartero ng post office na umiikot sa 26 barangay ng munisipyo.

‘Yung iba naman sa Ilocos, mabilis na kung matanggap mo ang sulat sa iyo makaraang makarating ito sa post office riyan.

Ang dami pang reklamo na nabubuksan ang mga sulat at padala na dumaraan sa kahit saang Post Office.

oOo

Itong Social Security System naman, Suki, ang isang pinuputakti ng problema sa SSS ID.

Akalain ba ninyo na maraming ispeling sa ngalan ng mga member ang mali-mali.

Ang sasabihin lang sa iyo ay mag-renew ka sa meyn opis ng SSS.

Sa karanasan ng marami, tu yirs ang inaabot bago ka magkaroon ng SSS ID.

Ito bang pagre-renew ay tu yirs din ang inaabot?

oOo

Ito namang Land Transportation Office ay hindi maalis-alis ang suspetsa na pinagkakaperahan nito talaga si Juan.

Napakarami rin dito, Suki, ang mga maling ispeling ng mga pangalan at petsa ng kapanganakan sa driver’s license.

Kung magreklamo ka at gusto mong ipabago ang malimaling gawa ng mga taga-LTO, hindi ka pakikinggan.

Sa halip ituturo ka sa mga opisina ng mga abogado sa labas ng LTO para igawan ka ng apidabit.

Magkano ang porsiyento nila sa mg apidabit na yan, huh?

oOo

PNoy, ano ito, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply