Ang probinsya at panganib ng pagbibilad ng palay

PARA sa mga taga probinsya, ordinaryo na lang ang makakita ng palayan at mga hayop sa bukid. Pero sa mga taga Metro Manila, big deal sa kanila.

Ito ang ating napag-alaman noong tayo’y nasa ABS-CBN DZMM pa bilang hepe ng mga reporter at may outing ang mga kapamilya sa Subic.

Mula ABS-CBN compound sa Quezon City, sumabay tayo sa bus kung saan sama-sama ang mga reporter, writer, producer, production assistant at iba pa.

Sa gitna ng biyahe, somewhere sa may Pam-panga, napasigaw ang isang lady writer na tubong Makati:“kalabaw! kalabaw!”

Napaigtad ang mga kapamilya:“Bakit? Bakit?” sunod-sunod na tanong. Sagot ng bruha: “ganoon pala ang itsura ng kalabaw, ngayon lang ako nakakita.”

“Ah, gano’n,” na lang ang nasambit natin noon.

Ito Ang Totoo: sa tulad nating lumaki sa probinsya, malimit hindi na napapansin ang mga bagay na hindi basta natatagpuan sa kalun-suran. Taken for granted, na lang, ‘ika nga.

Maraming bagay sa probinsya na dapat ikasiya na hindi nakikita o nararanasan sa Kamaynilaan. Pero kung hanggang kailan pa ito, hindi natin masabi sa bilis rin ng development sa mga kanayunan, lalo na ang mga lugar na may minahan na mahirap timbangin kung pag-unlad o pagkawasak ang tinatahak na daan.

***

Maganda rin sa mata ang ginintuang mga butil ng palay, lalo pa’t ito’y nakabilad sa araw.

Pero, nakatatakot at mapanganib naman kapag ang ginintuang mga butil ng palay ay sa hiway nakabilad at may mga bato at malalaking kahoy pa na gamit pangharang sa mga sasakyan.

Anak ng mag-asawang amag at bukbok, ang daan ay para sa mga sasakyan, hindi bilaran!

Marami pa sa Gitnang Luzon ang gumagawa niyan.

Pinakahuli nating natunghayan ang hiway sa pagitan ng mga bayan ng San Marcelino at San Narciso sa Zambales. Shortcut ang tawag pero main road na ito.

Ewan at sa kabila ng naglipanang mga “solar dryer” na proyekto ng mga bayan-bayan, meron pa ring mga magsasakang kailangang sa daan maglatag ng palay.

Disgrasya ang inaabot ng mga motorista, pati mismo ng mga magsasaka, sa marami nang pagkakataon.

Bawal naman talaga ang magbilad ng palay sa daan pero ang mga pulitiko, ayaw mabawasan ang boto kaya pinababayaan na lang, kesehodang magkadisga-disgrasya na riyan.

Ngayong parating na tag-araw, lalo pang darami ang magbibilaran.

Ito Ang Totoo: mahalaga ang kaligtasan, kapwa ng mga motorista at mga magsasaka, kaya dapat nang kumilos ang mga kinauukulan.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga reklamo, puna o puri, basta’t para sa kabutihan, ipadala sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply