Angel Locsin handa na sa ‘sky is the limit’ na pagbubuyangyang

NAKA-SET na palang talaga ang mind ni Angel Locsin na magpaka-daring at aalisin ang inhibition kung kinakailangan siyang magbubo’t hubad sa isang eksena. Kaya lang, surprising na parang inurungan ‘ata ng kung ‘ano’ dahil noong unang inalok sa kanya ang “Unofficially Yours” movie with John lloyd Cruz ay nag-alinlangan siya.

Sensitibo ang tema ng pelikula pero nang malamang si Cathy Molina-Garcia ang magdi-direk at makatatambal si Lloydie ay nagkaroon siya ng lakas ng loob na tanggapin ito.

Aniya, she is in the right hand at happy siya to do a movie na hindi pa nata-tackle pero controversial.

Ang character ni Ces ang ginagampanan ng aktres na isang makabago, wild at sobra ang self-confidence. Malaking challenge ito sa kanya dahil in real life, mahiyain siya. “Kaya tinanggal ko muna ang inhibitions ko… sana bumalik siya!” napangiting sabi niya.

It’s not a big fuzz sa male populace na magpa-sexy to the max ang aktres dahil given naman sa personalidad nito na beautiful, sexy and boobsie na sooner ay magdya-jump din siya sa boldwagon. Thus, inaassahan ng mga ito na mayroon silang masisilip sa aktres sa mga eksenang romansahan nila ni Lloydie sa nasabing Valentine offering ng Star Cinema na mapanonood ngayong Febraury 14 nationwide.

Speaking of unofficial relationship, inamin ng aktres na hanggang ngayon ay hindi pa sila ‘official’ na mag-on ni Phil Younghausband.

As in, walang ‘label’ na ayon sa kanya, hindi siya kuntento sa present set-up kaya lang, kung gugustuhin nilang maging official, hindi pa siya handa sa emotional aspect ng pakikipagrelasyon.

Inamin ng Kapamilya aktres na na kahit isang Phil-British si Phil ay walang pagkakaiba ito sa kanyang nakarelasyon na sina Luis Mansano, Oyo Sotto at ang yumaong si Miko Sotto. Aniya, Pilipinong-Pilipino ang football player, mahilig sa pagkain at pati ang pagkilos. “Pati yung values niya, Pinoy na Pinoy naman,” dagdag pa nito.

Sa pagbibida naman ni Lloydie, inamin nitong maraming sexy at intimate scenes sa Unofficially Yours sila ni Angel. Masaya siya dahil malaking tulong sa kanya ang aktres. Aniya, “Alam ninyo, kidding aside, talagang nakatulong si Angel dahil very supportive and very open siya. At masuwerte na para sa isang leading man na kagaya ko, mero’n kang kapareha like Angel na very much willing and very much eager to come up with the best scene.”

Para sa kanya, sobrang nasi-seksihan siya sa aktres at tiyak nitong lahat ay mag-a-agree sa kanya rito. “Talagang deserving to be the number one sexiest woman in the country.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply