Anomalya ng mga eskwela sa Subic Freeport

SAAN kayo nakakita ng eskwelahang naniningil ng daan-daang libong pisong tuition fees bawat estudyante pero libre, yes, walang bayad ang upa nito sa lupa, sa mga gusali at sa labimpitong (17) bahay na tinutuluyan ng mga opisyal at dayuhang guro nito?

Ito Ang Totoo: sa Subic Bay Freeport Zone. Ito ang tinatamasang benepisyo ng Brent International School Subic sa nakaraang halos dalawampung (20) taon.

Wow, hah! Ganda ng lugar, grounds at housing pero libre!

Kapalit ng biyayang langit ay inilaan umano ng Brent ang sampung porsiyento ng popolusyon nito na may full scholarship sa mga anak o dependents ng mga diyos, este, opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Sa dalawang daang (200) estudyante nito mula sa may labing apat (14) na bansa sa iba’t ibang panig ng mundo, may dalawampu (20) rin iyan. Pero sa ngayon, partial na lang ang scholarship, hindi kagaya ng mga nauna, ayon sa kasalukuyang scholars.

Panalo talaga ang Brent.

At parang hindi pa kuntento sa pagkadehado ng SBMA, bago napalitan iyong nakaraang board, sa rekomendasyon ni noo’y kapwa nila outgoing, administrator Armand C. Arreza, inaprubahan nito na palawakin pa ang paglilibre sa upa ng mga negosyong eskwela, kahit pa naniningil ng tuition fees at marami pang OTHERS ang mga ito.

Walang pakundangan ang ipinatupad na patakaran nina Arreza. Wala silang pakialam kung pribado na talaga namang ninenegosyo ang eskwela, o pampubliko, na siguro pwede pa tulad ng University of the Philippines na pag-aari naman ng pamahalaan at mataas ang kalidad ng edukasyon.

Umaangal tuloy ang mga eskwelahan sa Olongapo sa labas ng Freeport.

Sila ay nagbabayad ng upa o kaya’y bumili ng sariling lupa at nagpatayo ng sariling gusali, pero itong mga may basbas ni hudas, este, ng dating board, kukuya-kuyakoy lang na singil ng singil sa mga estudyante habang sila ay walang binabayarang upa.

Malamang dagdag ito sa dahilan ng pagkalugi ng SBMA ng bilyon-bilyong piso sa mga nakaraang panahon.

Dapat tutukan ito ngayon ng bagong board sa ilalim ni SBMA Chairman & Administrator Roberto V. Garcia.

Tukuyin at tapusin na ang pagsasamantala sa Subic Bay Freeport ng mga es-kwelahan kuno pero pribadong negosyo na naniningil naman ng tuition fees sa mga kawawang estudyante pero wala namang binabayarang upa sa gusali at lupa.

Dapat lang pumarehas tulad ng Calvert
International School na nag-apply at inaprubahan na ng bagong SBMA board para mag-operate sa Subic.

Magbabayad ito ng upa at lahat ng bayarin.

Ito ang Totoo: Pwede naman palang singilin. Eh, bakit may libre?

***

May reaksyon sa kolum natin last week sa pagbanggit sa pagkakalampaso kay ex-Olongapo Kagawad Edwin Piano sa nakaraang barangay elections kaugnay sa punto na hindi magandang asal bilang posibleng dahilan ng pagkatalo.

Ito Ang Totoo: Talaga namang inilampaso ni Brgy. Sta. Rita Chairman Jerome Bacay si ex-city Kagawad Edwin Piano. O, hirit pa? Sige lang, pag-usapan na naman.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito Ang Totoo Remate/143876209055760

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply