Anti-Corona group sa Negros isasabay ang rally sa EDSA anniversary

MAGSASAGAWA ng rally ang anti-Corona group sa Negros kasabay ng paggunita ng EDSA revolution.

Kasama sa plano ng grupong Negrense for Corona’s removal na magsagawa ng kilos-protesta kasabay ng pagdiriwang ng 26th EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ang naturang grupo ang hayag na nananawagan na patalsikin sa puwesto si Chief Justice Renato Corona na patuloy ng dinidinig ang impeachment trial sa Senado.

Maliban sa kanila, nagpaplano rin ang grupo ng Bayan-Negros ng kanilang paraan ng pagpapakita ng suporta sa People Power revolution sa pamamagitan din ng rally.

Karamihan sa mga estudyante ng high school at kolehiyo, ay walang nalalaman ukol sa makasaysayang naganap sa bansa noong rehimeng Marcos. Kung mayroon mang nakaaalala at nakaalam, napakaliit ng description at halos walang saysay sa mga pangyayari. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply