4 magbabarkada na bagets patay sa lunod

PATAY ang apat na magbabarkada na pawang mga menor de edad nang malunod matapos na magkatuwaang maligo sa dagat sa Toledo, Cebu sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa ulat sa Camp Crame, naganap ang insidente 11:30 ng tanghali kahapon sa karagatang sakop ng Barangay Dumblog, Toledo City, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Mae Marata Ariate, 16;  Dindo Marata Blanco, 14; Joseph Tukib Blanco, 14 at Jason Gabiano Asuzenas, 14.

Nagawa pang itakbo sa pagamutan ang apat subalit pawang idineklarang dead-on-arrival.

Ipinag-utos naman ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome na siyasatin ang insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply