‘Apo’ ni Senate Pres. Enrile dakip sa estafa

KASONG estafa at alarm and scandal ang kinakaharap ngayon ng lalaking nagpakilalang apo ni Senate President Juan Ponce Enrile matapos ireklamo ng kinatawan ng dalawang restaurant na kanyang naloko sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay police chief Sr. Supt. Melchor Reyes ang suspek na si Achilles Ponce Enrile, 32, alyas Alvin Mayoralgo, ng Lot 3 Block 3 San Isidro St., Metroville Subd., Cainta, Rizal na dinakip ng mga security personnel ng SM Mall of Asia (MOA) matapos gumawa ng gulo at nag-eskandalo sa loob ng isang sangay ng Dunkin Donut, alas-6 ng gabi.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay police, unang nagtungo sa Café Medeterrenean sa ground floor ng Mall of Asia si Ponce Enrile at inireklamo ang umano’y hindi kumpletong pagkain na kanyang pina-take out noong nakaraang gabi na natuklasan lamang niya nang makauwi na siya sa kanyang bahay.

Nang hanapan ng resibo ang suspek, nagpakilala siyang apo ng pangulo ng Senado sa pamamagitan ng ipinakitang ID kaya pinagbigyan na lamang siya ng pamunuan ng naturang restaurant.

Ganito rin ang modus-operandi ng suspek nang magtungo naman sa Reyes BBQ na nasa ground floor din ng naturang mall kaya muli niyang nakuha ang sinasabing hindi napabilang sa kanyang pina-take out na pagkain.

Nang magtungo ang suspek sa sangay ng Dunkin Donut, tumanggi ang service crew na ibigay ang kanyang nais makuha kaya gumawa na siya ng eskandalo na nakatawag pansin sa mga security personnel na nag-imbita sa kanya sa security office ng MOA.

Lumabas sa imbestigasyon na modus-operandi na ng suspek ang magpakilalang apo ng Senate President upang makapanlinlang kaya inireklamo na siya ng kinatawan ng dalawang restaurant sa pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply