Arabo natagpuang patay sa apartelle

NATAGPUANG patay ang isang Arabo sa loob ng kanyang inuupahang apartelle kaninang madaling-araw sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Al-Baloushi Ali Mohammed Karam Ghuloum, 49, mula sa United Arab Emirates at huling nakatira sa Abkasa, Mandalagan, Bacolod City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtaka ang desk officer ng Sandico Apartelle sa Ermita, Maynila dahil apat na araw nang hindi lumalabas ng kanyang kuwarto sa room 303 ang biktima.

Pinabuksan ito sa guwardiya dakong 12:30 ng madaling-araw at dito na tumambad ang bangkay ng foreigner nabubulok na at masangsang na ang amoy.

Malaki ang hinala ng pulisya na natural death ang naging kamatayan ng biktima dahil wala rin namang palatandaan na ito ay sinaktan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply