Araw-araw na sunog

MAY pag-ulan, oo, pero napapansin ba ninyo na halos araw-araw na yata ang sunog?

Lalo na sa Metro Manila.

Naalaala natin tuloy ang away sa firetruck ng mga bumbero.

Kamakailan lang, pinag-awayan ng mga ito ang imported at lokal na firetruck.

May gusto ng imported kahit mahal. Yung iba, lokal ngunit mura.

May gusto kasing kumita kaya nag-aaway-away.

Siyempre, gustong kumita ay ang mga nagbebenta ng mga firetruck.

Ke imported man o hindi ang kanilang ibi-nebenta.

oOo

Pero yang away ng mga bumbero ay ibang usapan.

May gustong kumita sa pamamagitan ng korapsyon.

Pero hindi lang ang mga bumbero ang nag-aaway-away kundi maging ang kanilang mga patron sa itaas, sa DILG.

Kaya matanong natin si Manoy Jesse Robredo: Naayos na ba, sa totoong salita, ang gusot sa firetruck na yan?

Wataymen, hindi na ba naulit yung isang kaso sa  Ombudsman noon na may P200 milyon na ipinambili umano ng mga firetruck?

Hindi basta bumbero ang mga sangkot noon kundi mga heneral.

Kaya naman, dahil sa korapsyon sa malalaking halaga sa pagbili ng mga firetruck, nananatiling inutil ang mga bumbero.

Sira at luma ang mga sasakyan at dispalinghado rin ang kanilang mga gusali at gamit. Kaugnay nito, may lumiyab pa ngang baro ng bumbero habang tine-testing noon.

Mabuti na lamang at hindi yata isinuot noon ng isang DILG sekretari iyon.

Hehehe.

oOo

Mangilan-ngilan nga lang ang mga may magagandang firetruck pero lokal na pamaha-laan ang mayroon nito gaya ng lungsod ni boy iskawt Jojo Binay.

Pero yang national na Bureau of Fire Department?

Naku, magdasal ka na lang kung may sunog para ‘di ka malitson nang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply