Archers lumalapit sa eliminations sweep

PINANA ng Lady Archers ang ika-13 sunod na panalo upang manatiling malinis at lumapit sa pag-angkin ng awtomatikong spot sa championship sa nagaganap na 74th UAAP women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan kahapon (Pebrero 8)

Inalisan ng bangis ng Archers ang National U Lady Bulldogs, 25-16, 25-11, 25-18 upang mapalakas ang tsansang makakuha rin ng thrice-to-beat advantage kapag nakumpleto nila ang 14-game eliminations sweep.

Namana ng 15 puntos si Abigail Maraño habang may tig-12 sina Michelle Gumabao at rookie Victonara Galang para sa Lady Archers, na hindi pa natatalo ng kahit isang set sa second round.

Ang maaaring bumigo sa asam ng Archers ay ang Ateneo Eagles na haharapin nila sa darating na Linggo (Pebrero 12).

Dumakot ng panalo ang Eagles sa University of the Philippines Lady Maroons, 25-8, 25-23, 25-18.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply