Arraignment kay Abalos naunsyami ulit

HINDI na naman natuloy ang pagbasa ng sakdal laban kay dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos makaraang maghain ang abogado nito ng motion to quash sa kinkaharap na usapin.

Ang pagkakabinbin sa arraignment ay may kaugnayan sa inihaing motion ni Abalos sa sala ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 117 Judge Eugenio Dela Cruz noong nakaraang Biyernes (Pebrero3) para sa pagbasura sa kinakaharap na kasong 11 counts of electoral sabotage.

Ayon sa mosyon, walang hurisdiksyon ang korte para dinggin ang usapin at tanging ang Sandiganbayan lamang ang humawak sa naturang usapin.

Binigyan naman ng 10 araw ang Comelec para sa kanilang komento habang maari ring magbigay ng komento ang panig ng depensa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply