Arraignment kay Mikey Arroyo ipinagpaliban

IPINAGPALIBAN ng Court of Tax Appeals First Division ang pagbasa ng sakdal sa tax evasion case laban kay Ang Galing Pinoy Party-list Rep. Mikey Arroyo.

Sa isinagawang court hearing ngayong araw, nakatikim ng sermon mula kina Judge Ernesto Acosta at Associate Judge Esperanza Fabon-Victorino ang tatlong prosecutor sa pangunguna ni Atty. Rosario Padilla dahil sa kabiguang maihayag sa korte ang status ng kaso kaugnay sa petisyon ng depensa sa Department of Justice na humihiling na muling pag-aralan ang isinampang kaso laban sa kongresista.

Ayon kina Judge Acosta at Victorino lumalabas na walang direksyon ang prosekusyon dahil maging ang Bureau of Internal Revenue at DOJ na kanilang kinakatawan ay walang koordinasyon sa kanila.

Dagdag pa nito, trabaho ng prosecution team na i-follow-up ang estado ng kaso at mga mosyon na isinampa ng depensa.

Pinayuhan din ang prosecution team na pag-aralan ang kanilang kaso bago humarap sa korte.

Muling itinakda ang arraignment sa First Division ng Court of Tax Appeals sa Abril 18.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply