Arsobispo: Magbalik-loob sa Panginoon sa panahon ng Kuwaresma

NANAWAGAN ang isang opisyal ng Simabahang Katolika na magnilay-nilay at magbalik loob sa Panginoon kasunod ng pagsisimula bukas (Ash Wednesday, Pebrero 22) ng panahon ng Kuwaresma.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang Kuwaresma ay isang pagkakataon para pagnilayan ang malaking pagmamahal ng Panginoon sa mga tao.

Sinabi pa ng Arsobispo na dapat samantalahin ng mga mananampalataya ang pagkakataong magbago at hanapin ang tamang landas ng pagbabago.

“Kung mayroong pinaka-importante sa panahon ng Lenten season ay pagnilay-nilayan natin iyong malaking pagmamahal ng Panginoon, it would link with the “Paschal Triduum yung celebration ng Holy Thursday, Good Friday at Easter vigil.  Hopefully that we will be renewed lalo na iyong ating appreciation natin sa dignity as children of God,” ayon sa panayam kay Palma sa Radio Veritas.

Naniniwala naman ang Arsobispo na makabuluhan sa tao ang panahon ng Kuwaresma kaya dapat na gawin itong makabuluhan.

“Alam naman natin na, we are all weak as human being, na nagkukulang tayo. But we are always given a chance to be renewed. Sana itong season of lent ay magbunga ng interior renewal,” ayon pa kay Arch Palma.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply