Arsobispo sa solons: ‘Wag puro impeachment’

DAPAT na asikasuhin din ng mga kongresista ang kanilang mga trabaho at hindi puro impeachment case na lang ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ang kanilang inaatupag.

Ito ang paalala ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga kongresista kasunod ng kawalan ng quorum sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa Corona impeachment trial.

Nauna rito, inamin ng mga kongresista na hirap silang magkaroon ng quorum dahil marami sa kanilang mga kasamahan ang nanonood sa impeachment trial sa Senado.

Dismayado si Lagdameo dahil sa hindi pagtupad ng mga kongresista sa kanilang trabaho o legislative work at mas inuuna pa ang impeachment trial ng punong mahistrado.

Paalala pa ni Lagdameo sa mga mambabatas, na huwag nang lumiban at gampanan ang trabaho na iniatang sa kanila ng taumbayan.

Ayon sa arsobispo, dapat lalo pang magpursige sa pagdalo sa mga sesyon ang mga kongresista upang tutukan ang mga mahahalagang panukalang batas na makatutulong sa bansa lalo pa’t nararamdaman na ng bansa ang epekto ng climatechange at sobrang kahirapan.

Iginiit pa ni Lagdameo na hindi na dapat pang pinagsasabihan ang mga kongresista kung talagang may malasakit sila sa bayan lalo na nang mga taong kanilang pinaglilingkuran.

Sinabi pa ni Lagdameo na kailangang um-attend sa sesyon ang mga kongresista dahil maraming mga panukalang batas ang dapat pagtuunan ng pansin na makatutulong sa bansa lalo na sa mga mahihirap.

Nangangamba rin si Lagdameo na kung aabutin ng taon ang impeachment ay ganito rin katagal na walang quorum sa Kamara.

Binigyang-diin ni Lagdameo na mas malaki ang tungkulin ng mga kongresista sa taumbayan kaysa tungkulin nilang i-impeach si Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply