Article 3 ng impeachment posibleng mag-collapse

POSIBLENG mag-collapse ang Article 3.

Ito ang ginawang pahayag ngayon ni lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr.  matapos ibasura ng impeachment court ang testigo ng prosekusyon na si PAL Vice President Enrique Javier.

Dahil dito, inamin ni Tupas na iisa na lamang ang natitirang testigo ng prosekusyon para sa Article 3, ito ay ang unang pinaharap sa paglilitis na si Roberto Anduiza, president ng FASAP.

Magkagayunman, patuloy na hahanap ng testigo at ebidensya ang prosekusyon.

Ang Article 3, ay naglalaman ng ‘culpable violations of the constitution’ at ‘betrayal of public trust’ sa panig ni Corona nang mabigo itong makatupad sa nilalaman ng Article 8, Section 7.

Ito anila ay nagsasabing ang “member of the Judiciary must be a person of proven competence, integrity, probity and independence’ na hindi naganap nang magkaroon ng pabagu-bagong desisyon ang Korte Suprema. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply