Artist sketch ng holdaper ng ABS-CBN employee inilabas na

MAKARAANG maoperahan sa panga ang empleyado ng isang television network matapos barilin ng hindi nakilalang suspek ay inilabas na ng pulisya ang artist sketch ng huli.

Nitong Sabado nang holdapin ng suspek si Crisologo Pangan, empleyado ng ABS-CBN habang naglalakad sa Panay Avenue, Quezon City,

Ani Pangan, papunta siya ng bookstore nang may humbalot sa kanyang bag.

Nang makipag-agawan ang biktima ay agad siyang binaril ng suspek s a panga.

Ang suspek ay inilarawang nasa 5’8″ ang taas, nasa 19-21-anyos at blonde ang buhok.

Hinala naman ng pulisya na posibleng miyembro ng kilalang grupo ng holdaper ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply