ASG, JI leaders utas sa military operations

PATAY ang most-wanted leader ng Abu Sayyaf group na si Umbra Jumdail alyas Dr. Abu, pagkumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsalakay ng militar sa Jolo, kaninang madaling araw.

Nabatid na maliban kay Jumdail, napatay din sa operasyon ang Jemaah Islamiyah leaders na sina Marwan at Singaporean na si Abdullah Ali.

Sina Marwan at Mauwiya ay responsable sa mga serye ng karahasan katulad  ng kidnapping at pambobomba.

Napag-alaman na si  Marwan ay US trained Malaysian engineer na matagal na ring wanted maging sa Amerika dahil sa pagkakasangkot sa terror attacks.

Una nang naglaan ng $5 million patong sa ulo ang Amerika kay Marwan o katumbas ng mahigit sa P200 million.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply