Atenista nanguna sa 2011 Bar Exam

MULA naman sa Ateneo de Manila University ang nanguna sa 2011 Bar Exam katulad noong 2010.

Ito ang nabatid nang ianununsyo ngayon ng Korte Suprema ang pangalan ng 1,913 mga nakapasa mula sa 6,200 na kumuha ng pagsusulit sa University of Santo Tomas sa España, Maynila noong Nobyembre 2011.

Mas marami ang pumasa sa taong 2011 (31.95%) kung ihahambing noong 2010 kung saan 982 (20.26%) examinees ang pumasa mula sa 4,847 na kumuha ng eksaminasyon.

Nabatid din kay Supreme Court spokesman Justice Jose Midas Marquez kamakailan, na ito na ang ikalawang pinakamataas na passing pecentage sa milenyong ito.

Noong 1954 naitala ang pinakamataas na umabot sa 75.17 percent habang ang pinakamababa ay noong 1999 na mayroong lamang 16.59 percent).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply