Attn: Cainta Mayor Mon Ilagan

SA susunod na mga buwan ay magbabaksyon na ang ating  mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan ngunit kasabay nito ay lumalabas naman ang iba’t ibang reklamo ng mga magulang.

Katulad ng mga magulang ng mga estudyante ng Cainta Elementary School na nagrereklamo dahil magtatapos na ang school year 2011-2012 ay wala pa rin daw naibibigay na ID ang paaralan gayung isa ito sa mga siningil sa mga magulang noong enrollment.

Ayon sa nakarating na sumbong sa Lily’s Files ng ilang mga magulang ng mga estudyante ng Cainta elementary School, noong 2011 enrollment ay siningil umano sila ng halagang P50 para sa ID ng kanilang mga anak para sa school year 2011-2012.

Ngayong patapos na ang school year  2011-2012 ay parang natapos na rin at parang naglahong parang bula ang P50 na binayaran ng mga magulang dahil ni anino ng binayarang ID ay hindi man lang nakita ng mga estudyante at magulang. Saan at kaninong bulsa napunta ang P50 na siningil ng nasabing paaralan sa mga magulang.

Oo nga at napakiliit na  halaga kung ito ay susumahin, ngunit kung pagsasamahin ang P50 sa isang libong estud-yante ay napakaliking ha-laga nito, na aabutin ng P50,000.

Kung nagpagawa ng ID ang Principal ng Cainta Elementary School na si  Ms. Judith U. Clarito, aba eh baka nga hindi pa umabot sa P20,000 ang kanilang nagastos at nabigyan pa ng ID ang lahat ng mga estudyante.

Ang ID ay isa sa mga importanteng dokumento ng mga estudyante dahil ito ang pagkakakilanlan sa kanila kapag may nangyaring hindi ma-ganda. Eh paano na lang pala kung  sa pag-uwi  mag-isa ng estudyate ay may nang-yaring masama, papaano ito makikilala?

Alam kaya  ni Cainta Mayor Mon Ilagan at Department of Education Secretary Armin Luistro  ang mga pinag- gagawa ng  Principal at mga guro ng Cainta Elementary School?

Sana po ay mapaimbestigahan ng ating magaling na alkalde at ng DepEd ang reklamong ito ng mga magulang ng mga estudtante ng nasabing paaralan.

Bukas po  ang Lily’s Files Column natin para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 0915-5683000 o kaya ay mag-email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply