Ayala Land AVP isinalang sa witness stand

MATAPOS na sumalang ni Securities Exchange Commission (SEC) director Benito Cataran ay sunod na isinalang ng prosekusyon ang assistant vice president ng Ayala Land na si Nerrisa Josef.

Ang pagtestigo ni Josef ay para patunayan na may property din si Chief Justice Renato Corona sa Ayala, partikular na sa condominium na nasa hurisdiksyon ni Josef.

Sa umpisa ng kanyang pagsalang sa witness stand, inilahad ni Josef sa Senate impeachment court, ang orihnal na kopya “contract to sell” sa pagitan ng Community Innovations Inc. at ni Cristina Corona kaugnay sa 48-square meter na condo unit sa The Columns na nagkakahalaga ng P3,588,931.

Ang nasbaing property ay hindi umano nadeklara sa statement of assets, liabilities and net worth ng punong mahistrado.

Ang direct examination kay Josef ay pinangunahan ni Atty. Winston Ginez, isang boluntaryong miyembro ng prosekusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply