Ayaw makisawsaw ni JC sa issue nina Rhian at DJ Mo

NAGING karelasyon ni JC de Vera noon si Rhian Ramos kaya kinuha ang reaksyon niya nang mabalitaan niya ang tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng aktres at ng dati nitong karelasyon na si DJ Mo Twister. At ang sagot ni JC ay… “Wala!”

Nagulat siya?

“Hindi, hindi naman.

“Ano naman, ever since kasi pag may desisyon na ginagawa yun, pinaninindigan niya. Nagiging responsible naman siya run, di ba? E siyempre naniniwala ako na ano yun e, choice niya yun, e.

“E lahat naman tayo nabubuhay by choice e, so iyon yung pinili niyang choice, kailangang niyang panindigan so…

“E doon ko siya nakilala, na very strong talaga pagdating sa mga decisions. Maybe puwedeng maging mali, puwedeng maging tama, para sa kanya, pero pinanindigan niya at naging responsible siya.”

Ano naman ang reaksyon niya na nadamay ang pangalan niya sa kontrobersiya?

“Aba ewan ko sa kanila!

“Talaga? Aba ewan ko! Actually wala akong naging reaction. “Ever since nga naniwala ako na by choice ang mga ginagawa niya, kahit alam niya yung mga mangyayari sa future, choice niya pa rin, gumagawa siya ng sarili niyang choice.

“Kumbaga napaplano naman niya kasi talaga lahat kaya…”

Naawa siya kay Rhian?

“Hindi ko sure yung term, e. Hindi ko alam kung awa ba o yung parang concerned, yung ganun. Hindi ko maintindihan kasi… well siyempre lahat ng mga ganyan mapi-feel mo rin yung nararamdaman nila kasi siyempre ganun yung nangyari. Nakatingin sa kanya lahat ng tao, lahat naaawa, yung iba naman natutuwa, parang ganun. So ako, saan ako pupuwesto?

“E run na lang ako sa NR, dun na lang ako sa no reaction, di ba?

“Pero napi-feel ko kung ano yung nararamdaman niya kasi hindi naman talaga madali para sa isang tao na yung kung anu-ano ang naririnig mo tungkol sa sarili mo. Ang daming nagba-backstab sa yo, ang daming naninira sa yo, so napi-feel ko naman yung nangyari sa kanya.

“Kaya lang siyempre para sa akin e hindi na ako dapat makisawsaw diyan sa ganyang usapan.

“Hindi naman sa dahil ayaw ko siyang pag-usapan pero hindi lang appropriate na sumali pa ako sa usapan or para lang maki-join ako sa ano nila, sa fame nila,” at tuma -wa si JC.

May tsika na galit diumano sa kanya si Mo Twister.

“Ah talaga, galit siya sa akin? Baka baligtad! Baka baligtad.”

Bakit siya galit kay Mo?

“Hindi ko alam e, parang ayoko lang sa kanya. E di ba normal naman yun sa lalaki. Tsaka kasabay ko siya, e! Hehehe!

“Kasabay ko yun, e. Pero okay lang…”

Kaya hindi sila nagpansinan sa mga pagkakataon na nagkikita sila dati sa TV5.

“Ang plastik ko naman kung papansinin ko siya, di ba?

“Wala din naman akong sasabihin sa likod niya, wala rin akong maririnig na sinasabi niya tungkol sa akin, ano na, good na yun, kumbaga okay na yun, huwag na lang ta- yong magpansinan.”

“Tsaka lalaki ako!”

Ano ang ibig niyang sabihin?

“Hindi, kasi parang… hindi naman sa madaldal, siyempre alam mo din naman na pinag- tatanggol niya rin yung emotions niya pero…e kanya-kanya lang naman yan, ako pinili kong hindi ako magsalita, di ba?

“Pinili kong huwag siraan yung babae pero siyempre kahit anong mangyari, at the end of the day, babae pa rin yun, di ba? Parang ano yan e, parang nanay mo yan e, so kahit anong gawin mo yan, at the end of the day nanay mo yan so… parang ganun, di ba?”

‘Yun na!

-0o0-

BIDA na si Bea Binene via “Alice Bungisngis and her Wonder Walis,” isang magical adventure mula sa direksyon ni Mark Reyes.

Mapapanood na ito simula sa Lunes, February 6 bago ang 24 Oras sa GMA 7.

Happy si Bea na nagkaroon na siya ng sariling show and at the same time ay kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung tatangkilikin ito ng tao.

“Kinakabahan din ako kasi di ba malay ninyo paano kung hindi magustuhan ng mga tao? Pero think positive lang naman and I’m sure magugustuhan nila kasi maganda talaga ‘yung story at ‘yung effects ang ganda,” sambit ni Bea

Ngayong nagbibida na siya, ibig bang sabihin lahat ng show na gagawin niya sa GMA-7 dapat ay siya pa rin ang lead star??“Hindi naman po. Basta kung ano po ang ibigay sa akin ng GMA, okey na po ako doon, nagpapasalamat na po ako,”

Ang ka-loveteam ni Bea na si Jake Vargas ang kapareha niya sa Alice Bungisngis. Pero ka-love triangle nila si Derrick Monasterio na minsa’y na-link kay Bea.

Hindi kaya bumalik ulit ang maganda nilang pagtitinginan dahil magkasama sila sa serye?

Ayaw ng mga fans ni Jake!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply