Babae tinarakan muna, saka ninakawan

PATAY ang 52-anyos na babae makaraang pagsasaksakin matapos manlaban sa panghoholdap sa kanya ng isang helper sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rosalia Gonzales, insurance agent ng Block 8, Lot 14, La Trinidad Village, Brgy. Talipapa, QC sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan.

Nakatakas naman ang responsable sa krimen na kinilalang si Alejandro Astrero, 20, helper ng isang talyer malapit sa parking lot sa Brgy. Talipapa.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, naganap ang insidente 1:00 ng madaling-araw kanina sa parking lot sa Brgy. Talipapa.

Sinabi sa ulat na tadtad ng tama ng saksak sa katawan at braso ang biktima, palatandaan na nanlaban ito sa suspek.

Itinuturong suspek si Astrero dahil umano siya ang huling nakita sa naturang lugar bago naganap ang krimen at natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen ang kaputol na silver na kwintas ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply