‘Babe’ tawag ni Sarah kay Gerald Anderson

SA hindi sinasadyang pagkakataon ay mismong si Pop Star Princess Sarah Geronimo na rin ang nagbuking sa kanilang tunay na relasyon ng aktor na Gerald Anderson.

Ito ay makaraang madulas ang singer at tawagin sa kanilang endearment na ‘babe’ si Gerald.

Sa kanyang pilot episode na “Sarah G Live” kagabi, maging si Sarah ay na-shock nang kusang lumabas sa kanyang bibig ang salitang ‘babe’ na agad naman niyang binawi at idinaan pa sa biro ang sitwasyon.

Palusot ni Sarah na ang pagtawag niya ng ‘babe’ kay Gearld ay mula sa lyrics ng kanta na inaawit ni Gerald na agad namang tinabla ng aktor.

Nauna nang napabalita ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa, matapos makitang magka-date sa isang yate noong Araw ng mga Puso.

Inamin na rin ni Sarah na si Gerald ang inspirasyon niya sa kasalukuyan para  maging mabuting tao.

-000-

HETO na ang buwan ng mga puso. Hindi na naman magkandaugaga ang ating  magsing-irog at mga mag-asawa kung ano ang kanilang ibibigay ng kanilang mga minamahal.

Kaya naman ang Walker, isa sa pangunahing underwear maker sa bansa ay namigay ng 10% discount kung ano ang kanilang ibibigay sa kanilang mga minamahal.

Kaya naman ang Walker, isa sa mga pangunahing uinderwear maker sa bansa ay namimigay ng 10% discount sa lahat ng mga selected Walker item mula Feb. 1 hanggang 29 ng taong kasalukuyan.

Ang promosyon na ito ng Walker ay upang mapasaya ang ating mga kababayan ngayong buwan ng mga puso.

Magpunta na sa lahat ng SM Department Store, Supermarket, Hypermarket at iba pang leading department stores nationwide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply