Baclaran market sinalakay, P6M pirated VCDs nakumpiska

MAHIGIT P6 na milyon halaga ng pirated CD at VCD’s ang kinumpiska ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) matapos salakayin ang ibat-ibang stalls sa Baclaran Market at iba pang katabing establisimyento kanina sa Parañaque.

Ayon kay OMB chairman Ronnie Ricketts, ang naturang pagsalakay ay bunsod sa intelligence report na nakarating sa kanila na sadyang lantaran at talamak na pagbebenta ng pirated DVD’s sa Baclaran area na pinangangasiwaan ng mga negosyanteng Muslim.

Tumanggi naman ang mga may-ari ng stalls na ibigay ang mga nakuhang ebidensiya sa halip ay nagtangka pa silang lumaban sa grupo ng raiding team.

Nabatid na kasama ng OMB sa ginawang pagsalakay ang mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng Philippine National Police.

Sinabi ni Ricketts, na inaasahan na nila ang matinding pagtutol sa hanay ng mga negosyante na karamihan ay tubong Maranaw.

Samantala, ikinatwiran naman ng mga negosyante na ito lamang ang kanilang ikinabubuhay upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan subalit nanindigan naman ang ahensiya ng gobyerno na ipagpapatuloy nito ang kampanya laban sa mga naglipanang pirated dvd’s na nagiging banta sa industriya ng pelikulang Pilipino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply