Bad news para sa mga drayber ng dyip at bus; GMA kakanta sa Pasay RTC

OBLIGADO si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representatiive Gloria Arroyo na humarap sa arraignment nito ngayon, Pebrero 23.

Ito’y may kaugnayan sa kasong election sabotage na dinidinig sa Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 112.

Sinabi ni Branch 112 Sherriff Rodelio Buenviaje na plantsado na ang seguridad sa paligid ng Pasay City hall maging ang biyahe ni CGMA patungo roon mula sa Veterans Memorial Medical Center.

Paliwanag ni Buenviaje na bukod sa arraignment, kailangan ding present ang dating pangulo sa araw ng pre-trial sa kasong kinakaharap nito.

Kaugnay nito, Handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbasa ng sakdal kay dating Pangulong Gloria Arroyo ngayong araw sa Pasay City Regional Trial Court (RTC).

Sa panayam kay PNP Chief Nicanor Bartolome, binanggit nitong nagsagawa na ng dry run ang PNP hinggil sa pagbibiyahe sa dating pangulo mula Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) papuntang Pasay City RTC.

Bagamat hindi nagbigay ng bilang pulis kung ilang pulis ang ikakalat, sinabi ni Bartolome na malaki ang magiging papel ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG) sa naturang arraignment.

Una nang inobliga ng korte na humarap ngayon si CGMA sa sala ni Judges Jesus Mupas para sa arraignment sa kasong electoral sabotage.

Samantala, malungkot na balita ito para sa mga tsuper ng pampasaherong dyip at bus.

Malaki kasi ang posibilidad na hindi maaprubahan ang hirit na dagdag-pasahe sa mga pampasaherong bus at jeep sa kabila nang sunod-sunod na pagtaas ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Emmanuel Iway, subject for resolution na ang petisyon ng mga jeepney driver ngunit malabong mapagbigyan ito.

Paliwanag ni Iway, kahit mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo na isa sa batayan sa ginawang P2 hike petition ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) at Pasang Masda, hindi naman ito direktang naaapektuhan dahil nakikinabang naman ang mga jeepney drivers sa Pantawid Pasada program kung saan nagpalabas ng panibagong P200 milyon ang gobyerno.

Bukod dito, malaki rin ang mga diskuwentong ibinibigay ng mga kooperatiba sa mga sparepart, batteries at iba pang piyesa ng sasakyan.

Dagdag pa niya, sa mga bus drivers naman ay pinag-iisipan din nila kung aaprubahan ang fare hike petition lalo na sa Luzon.

Nalilito pa rin aniya sila dahil kung sa Luzon ay humihirit ng P12 pasahe sa unang limang kilometro sa ordinaryong bus mula sa P10 ay kabaligtaran naman sa Visayas at Mindanao na naghain ng petisyon na maibaba ang pasahe.

Ayon kay Iway, nakakapagtakang mas mataas ang presyo ng krudo sa Visayas at Mindanao, halimbawa ay sa Central Visayas na mas mataas ng P5 hanggang P6 ang presyo ng krudo ay humiling na ibaba sa P6 mula sa P8.50 ang pamasahe na kanilang inaprubahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply