Bagets na Fil-Am ‘nagpakamatay’ dahil sa kantiyaw

PINANINIWALAANG nagpatiwakal ang isang 14-anyos na dalagitang Filipino American sa loob ng kanilang bahay sa New York City, Estados Unidos.

Nabatid na natagpuang nakabigti sa banyo ng kanilang bahay sa Yonkers ang pinangalanang Eira, estudyante ng Ursuline High School for Girls sa New Rochelle.

Ipinasiya naman ng Yonker Police na huwag munang magkomento sa pagkamatay ng Fil-Am ngunit sinasabing tinitingnang motibo ang umano’y pangbu-bully sa dalagita.

Bago natagpuang patay, nakapag-status pa sa kanyang Facebook account ang biktima hinggil sa pagiging salbahe sa kanya ng iba kung saan nakasaad ang mga katagang, “someday i’ll be big enough so you can’t hit me”.

Nagpamisa rin ang eskwelahan na dinaluhan ng pamilya, mga kaibigan at kamag-aral ni Eira.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply