Bagong arsobispo ng Palo, Leyte itinalaga na

MAY bago ng arsobispo ang Archdiocese ng Palo, Leyte sa katauhan ni Dumaguete Bishop John Du.

Mismong si Papal nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto ang nagpaabot ng balita kay Monsignor Pedro Quitorio, media director ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa pagkakatalaga ni Pope Benedict XVI kay Du nitong Sabado ng hapon.

Nabatid na Sabado rin ng hapon nang matanggap ng Diocese of Dumaguete ang kalatas hinggil sa appointment mula mismo sa Vatican.

Pinalitan ni Du sa posisyon si CBCP president Archbishop Jose Palma, na itinalaga ng Santo Papa bilang arsobispo ng Archdiocese of Cebu noong Oktubre 2010.

Ayon kay Monsignor Julius Heruela, parish priest ng St. Catherine of Alexandria Parish sa Dumaguete, inaasahang darating ang mga opisyal mula sa Archdiocese of Palo sa kanilang lugar anumang araw upang talakayin ang instalasyon kay Du sa kanyang bagong posisyon.

Wala pa namang eksaktong petsang itinakda para sa instalasyon ni Du at hindi pa rin iniaanunsiyo ng Vatican kung sino ang papalit sa kanyang babakantehing puwesto bilang Obispo ng Dumaguete Diocese.

Si Du, 57, ay ipinanganak sa Bantayan, Cebu noong Oktubre 18, 1954 at naordinahan bilang pari noong Hunyo 1, 1979.

Taong 1997 nang italaga si Du ni Pope John Paul II bilang Auxiliary Bishop ng Cebu at Abril 21, 2001 naman nang maitalaga bilang Dumaguete bishop.

Sa kasalukuyan, si Du ay archbishop-elect bilang treasurer ng CBCP at chairman ng CBCP Pension Plan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply