Bagong CAGI Board, handa na para sa COTY-P 2012

ANG nangungunang award-giving body sa car industry sa Pilipinas, ang CAGI (Car Awards Group, Inc.) ay naghalal na ng kanilang officers para sa taong 2012.

Muling magsisilbi para sa isang termino si Ferman Lao bilang presidente ng CAGI, at gayundin naman si Andy Sevilla bilang VP-External Affairs at si Bam Olivares bilang VP for Internal Affairs.
Ang nag-iisang babae sa executive board na si Bess Zamora ay siya pa ring Treasurer ng organisasyon. Samantala, ang editor-in-chief ng website na Kotse.com na si Christopher Kho ang bagong Corporate Secretary.

Ang CAGI ay ang organisasyong nasa likod ng Car of the Year-Philippines (COTY-P) award na siyang iginagawad taon-taon sa isang brand ng sasakyan na maituturing na may “best value for money” at angkop sa mga Pilipino.

Higit sa limampung (50) motoring journalist sa bansa (print, online, radio at TV) na siya ring mga miyembro ng CAGI, ang nagsisilbing hurado o panel ng mga mapipiling car entries taon-taon.

Walong taon na ang nakalilipas mula nang unang iginawad ng CAGI ang COTY-P award. Noong 2004, ang Honda Accord ang nakatanggap ng kauna-unahang COTY-P trophy at sinundan ito ng Civic noong 2005, Mazda  6 noong 2006, at Volvo C30 noong 2007. Back-to-back win din ang natamo ng Subaru sa COTY-P award ng Impreza STI noong 2008 at Subaru Legacy 2.5L GT noong 2009. Para sa Season 2010-2011, ang Chevrolet Cruze ang itinanghal na Philippines’ Car of the Year.

Ayon kay Lao, malaki ang pagbabago sa mga hanay ng mga candidates para sa 2011-2012 kumpara sa mga nakaraang entries. Aniya, ““Essentially, as the years go by, all the cars keep getting better.”

Ang Car of the Year Philippines 2011-2012 Awards ceremony ay gaganapin sa darating na March 29 sa Manila International Auto Show (MIAS) sa World Trade Center sa Pasay.

***

Real Thrills sa BPI

IBINALIK ng BPI Family Savings Bank ang BPI Auto Loan Real Thrills promo at ngayong 2012, mas pinaganda pa nila ang kanilang offer dahil sa extended promo period pamula February 1 hanggang June 1 nga taong ito.

Ang mga BPI Family Savings Bank members na mag-aapply para sa promo matutuwa ring malaman na ang entry level o ang starting price para sa mga bibilhing sasakyan ay P600,000 na lamang kumapra sa P650,000 noong nakaraang taon. Ang Auto Loan Real Thrills ay may kasama na ring 1 year FREE Insurance na may Acts of Nature Coverage— ibig sabihin nito, anumang sasakyang nasalanta ng bagyo, lindol o ano pa mang natural disasters, sagot na ng BPI Autoloan Insurance ang pagpapaayos dito. Kinakailangan lamang na ang sasakyang bibilhin ay brand-new at pampribadong gamit lamang.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta lamang sa kanilang website na www.bpiloans.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply