Bagong chairman ng AHJAG itinalaga ng AFP

ITINALAGA bilang bagong chairman ng Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) si Brig. Gen. Roland Amarille, 1st Infantry Tabak Division Assistant Commander for Operations at dating Commanding Officer ng 101st IB na nakabase sa Barangay Del Pilar Pinan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Si Amarille ang pumalit sa puwesto ni Brig. Gen. Allan Luga na itinalaga namang Division Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army.

Matatandaan na si Amarille ang nanguna sa Joint Phil. Army-PNP Troops na nagre-rescue sa dalawang Koreanong kinidnap sa Lanao del Norte noong Nobyembre 2011.

Ang AHJAG, ay isang peace mechanisim para sa peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply