Bagong hepe at kolektong – 2

ITULOY natin ang pagtalakay sa pag-takeover ng bagong direktor ng Quezon City Police District na si Chief Supt. Mario dela Vega.

Katu-turn over pa lang  ay kung ano-ano na ang sinasabi ng isang kamag-anak ni Dela Vega na kesyo marami raw silang papalitang opisyal at sa katunayan ay pomorma na rin ang mga bagong  collector ng Heneral na kanyang kaanib sa relihiyon.

Kawawa naman ang mga deserving na opisyal ng PNP na hindi kaanib ng relihiyong ito o kaya ay walang kapit sa itaas, kahit na sabihing ubod sila ng galing ay wala ring mangyayari dahil hindi naman sila maluluklok sa puwesto. Sayang lang ang  kanilang mga pinag-aralan, hindi nila ito maipakikita sa tao.

Ito ang pangit na kalakaran ng PNP magtatalaga sila ng opisyal sa isang lugar tapos hindi pa man nagtatagal ay tatanggalin  na dahil may bagong itatalaga na rekomendado ng kaibigan at kabarilan  ng nakaupo o kaya ay rekomendado ng isang sekta ng relihiyon.

Papaano na lang ang mga proyektong nasimulan noong tinanggal sa puwesto? Mabuti nga lang kung ito ay ipagpapatuloy nang pumalit, papaano kung hindi, eh, ‘di sayang naman ang mga nagastos at pagod ng mga pinalitang opisyal.

General Dela Vega, Sir, sana ay mapatino niyo ang mga corrupt, bastos at maaangas na mga pulis ng QCPD lalo na ang mga naka- talaga sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) na sinasabing napaka-untouchable ang hepe na si Sr. Insp. Richard Ang; District  Headquarters Support Unit (DHSU) na pinamumunuan ng maangas na si Supt. Rolando Bumagat, ang Traffic na pinamumunuan naman nitong si Supt.  Arnold Santiago at ang mga pulis na lalong nagpapahirap sa pamilya ng mga namamatayan.

Nakatanggap rin ng impormasyon ang Lily’s Files na itong si General Dela Vega ay anim (6) na buwan lang na mamamalagi  bilang DD ng  QCPD dahil  ito ay naka-programa nang mapunta sa Region 7 bilang Regional Director.

At sinasabing hindi rin daw matutuloy na umupong DD sa SPD itong si General Regis dahil ito ay magiging Regional Director din ng hindi pa sinasabing Region.

Bukas po ang Lily’s Files Column para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento.

Mag-text lamang po sa 09155683000  o kaya ay mag-email sa lily_reyes-13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply