Bagong hepe at kolektong

NAGPALIT na ng District Director  ang  Quezon City Police District (QCPD) noong Huwebes (Feb. 16, 2012)   kaya kabado na naman  ang mga nakaupong opisyal ng iba’t ibang unit at ng 12 police station.

Ang 2,700 na kapulisan ng QCPD at ang 12 police station nito ay pamumunuan ng bagong talagang District Director na si Chief Supt. Mario Dela Vega, isang 1981 graduate ng Philippine Military Academy (PMA).

Pinalitan ni Dela Vega ang  isa ring 1980 graduate ng PMA na si Chief Supt. George Regis, na nagsilbing  District Director ng QCPD ng 8 buwan at ngayon ay siya ring District Director ng Southern Police District (SPD).

Ang labis lang na ipinagtaka ng ating mga kapulisan sa lungsod Quezon ay kung bakit napakaikling panahon lang nanilbihan si Regis sa Quezon City gayung napakagaling nitong humawak ng tao.

Sigaw ng ating mga kapulisan ay kawawa na naman ang mga nakaupong hindi kaanib sa relihiyon ng nakaupong District Director dahil sigurado nang papalitan sila.

Para roon sa mga nakaupong opisyal na hindi kaanib ng relihiyon ng bagong District Director, aba eh, ano pa ang hinihintay ninyo, magbalot-balot na kayo dahil bukas makalawa ay tanggal na kayo sa mga puwesto nyo.

Kaya ngayon pa lang ay  maghanda-handa na kayo.

Mabuti na yung nakahanda kaysa  mabigla kayo.

Sabagay  inaasahan na rin naman ito ng mga nakaupong opisyal na hindi kaalyado ng
relihiyon ng bagong DD.

Katulad nitong kamag-anak daw na pulis nitong si Gen. Dela Vega, kate-turn over pa lang ay kung ano-ano na ang sinasabi, kesyo marami raw silang papalitang opisyal at sa katunayan ay pumorma na rin ang mga bagong collector ng Heneral na kanyang kaanib sa relihiyon. (ITUTULOY)

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply