Bagong SALN form aprub sa Malakanyang

APRUB na sa malakanyang ang bagong format ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) para sa government officials.

Ani deputy presidential spokesperson Abigail Valte, wala sa design ng form ang problema kundi sa paraan ng paghahain ng SALN ng mga kawani ng pamahalaan.

Binanggit pa ng kalihim na malimit nagkakaroon ng problema ang isang empleyado o opisyal ng gobyerno dahil sa hindi tapat na pagdedeklara ng kanilang mga ari-arian.

Magugunitang una nang pumalag ang ilang kongresista sa nasabing bagong SALN format dahil sa paniwalang labag ito sa Konstitusyon at maaring ma-expose ang government employees sa harassment.

Nagbabala rin ang mga kongresista na maglabas ng resolusyon na aatas sa CSC na bawiin ang nasabing desisyon.

Pero iginiit naman ni Civil Service Commission chairman Francisco Duque III, may pinagbabatayang batas ang desisyon ng CSC en banc at kanila itong ipatutupad hangga’t walang pagtutol o pagharang mula sa korte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply