Bagong SALN form ng CSC ibinasura ng Senado

HINDI matanggap ng ilang senador ang bagong form ng statement of assets, liabilities and Net worth (SALN) na ipinagagamit ng Civil Service Commission (CSC) sa lahat ng opisyal at empleyado ng pamahalaan dahil taliwas sa itinakda ng Saligang Batas.

Ngayong araw, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na nakatakdang maghain ng kaukulang resolusyon ang Senado sa Martes sa susunod na linggo upang ipahayag sa CSC na ibasura ang paggamit ng bagong porma ng SALN.

“We are very much concern about the new form of SALN because aside from the fact na masyadong nitty gritty na pati mga toilet risks kailangan ilalagay mo. It is in contrast of what really the intention of the Constitution is,” ayon kay Sotto.

Bukod kay Sotto, tinanggihan din ang bagong porma nina Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Panfilo Lacson at Sen. Antonio Trillanes IV sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on civil service na nag-imbestiga sa bagong porma ng SALN.

“As being pointed out by the Senate President (and other senators) which I brought out earlier (in the hearing). Dapat nga gawin simple para mas-madaling mag-file, mas madaling maglagay ng laman, mas maging accurate,” paliwanag ni Sotto.

Sinabi pa ni Sotto, na dapat tupdin ang sinasabi ng Konstitusyon. Aniya ang SALN ay isang balance sheet na ang dapat na simple at iyong madaling makikita kung may pagkakamali ang isang government official.

Sa ilalim ng bagong porma, sinabi ni Sotto na gumamit ang CSC ng mga terminolohiya na hindi naiintindihan ng pangkaraniwang empleyado ng pamahalaan at kinakailangan pang ilista ang bawat gastusin sa loob ng tahanan kabilang ang tinatawag nilang paraphernal at community properties na dapat ilantad sa SALN.

“Oo, nung paraphernal, community although these are also present in the old form gusto naming i-simplify dahil hindi lahat ng government employees alam kung ano ang paraphernal at ano ang meaning nila when we say community, sino ang community,” ayon kay Sotto.

Sinabi ni Sotto na inatasan ng komite si Trillanes na maghain ng kaukulang resolusyon sa pagbubukas ng plenaryo sa Martes na nagpapahayag ng kaisipan ng Senado laban sa pagpapatupad ng bagong porma ng SALN ng CSC.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply