Bagong SALN form ng CSC pinaiimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Aquilino Pimentel III ang Civil Service Commission dahil sa bagong form nito para sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na sinimulan nang gamitin noong nakalipas na taon.

Nakapaloob sa Senate Resolution No. 710, nais malaman ni Pimentel, Chairman ng Senate committee on electoral reforms and people’s participation kung ang bagong form ay naaayon sa batas.

Nangangamba ang senador dahil posibleng maging kumplikado ang bagong SALN na magtutulak sa maliliit na kawani ng gobyerbo na kumuha pa ng abogado o accountant na nangangahulugan na dagdag na pasanin sa kanila.

Kasama sa kailangang ideklara sa bagong form ng SALN na wala sa luma, ay ang personal na gatos ng kawani at ang kabuuang gastos ng kanyang pamilya, ang halaga ng binayaran nitong buwis, halaga ng kanyang kinita at saan ito galing.

Obligado rin ang isang empleyado ng pamahalaan na linawin kung ang kanyang ari-arian ay sarili niya o kaya ay conjugal o pag-aari nilang mag-asawa.

Alinsunod sa Section 17, Artilce II ng Saligang Batas, ang mga nasa gobyerno ay obligadong mag-file ng SALN na ang deadline ay tuwing ika-30 ng Abril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply